senti mode
namimiss ko na talaga ang workshop..alala ko pa.. bibili ako ng coke..
tapos yung baso, ginagamit kong lalagyan
ng oil o di kaya tubig, depende sa gagawin
namin nung araw na yun..
sa visual ko nalaman na matutunaw at
mabubutas pala ang plastic na baso
ng coke pag lalagyan mo ito ng gas..
sa visual ako natutong mag-floorwax:
1. walisin ang sahig gamit ang walis tingting.
2. punasan ng gas ang sahig bago lagyan ng floorwax.
3. lagyan ng red dye wax.
4. lagyan ng clear wax.
5. patuyuin.
6. kuskusin ng mabuti hanggang ikaw mismo ay
madulas habang kinukuskos ang sahig.
7. para enjoy, kuskusing mabuti ang sahig sa may pintuan.
8. pagtawanan ang unang tao na madudulas sa sahig
pagkapasok na pagkapasok sa classroom.
sa visual arts room ko rin nalaman na hindi ka pala dapat
magbuhat ng isang baldeng tubig pababa ng hagdan
lalung-lalo na kung bagong floorwax pa lang ito..
sa visual ko nakilala ang mga taong hinding-hindi
ko makakalimutan kahit magka-alzheimer's pa ako..
peksman.
habang pumipinta, may kasabay nang bonding..
kwentuhan kami tungkol sa mga problema o
mga pangyayari sa buhay namin.. minsan,
maglalaro yung iba.. minsan, kakanta kanta o
di kaya'y sasayaw at kakanta habang pumipinta..
yung iba naman, pag tinatamad, uupo sa sulok at
matutulog sa banig gamit ang unan ni mam glecy na
gawa sa plastic na pinuno ng mga candy wrapper,,
minsan naman, tahimik lang kaming pumipinta.. pero
ang katahimikang yun ay isang komportableng katahimikan..
sa mga panahon na tahimik lang kami, ang mga utak
naman namin ang nagba-bonding.. at dahil dito,
dahan dahan kaming natuto kung pa'no basahin
ang iniisip ng isa't-isa..
ang visual arts room ay heaven para sa akin..
kahit ga'no pa kagrabe ang nangyari sa akin
sa araw na yun, pupunta lang ako sa visual room,
bubuksan ang radyo, uupo sa banig, papanoorin ang
mga taong dumadaan, at titingnan ang mga ipininta
ng aking mga kaibigan..
ang visual arts room ay heaven para sa akin..
para sa akin, ang pagkasunog ng visual arts room
ay blessing in disguise... ngayon, ang
visual arts room ay nasa heaven na talaga...
inaantay niya kami doon..
kahit naghiwalay-hiwalay na kaming mga visual arts
students ng landas, babalik at babalik pa rin kami
kung saan namin natutunan ang lahat ng kakailanganin
namin para makayanang buhayin ang buhay..
/sob
*isang taon na ang nakalipas simula nung natanggap
ko ang balita na nasunog ang visual arts room dahil
sa wiring ng classroom sa ilalim nito.
tae.